Sa ating panauhing pandangal, Atty. Chel Diokno, sa dating dekana ng ating kolehiyo, Atty. Vyva Aguirre, sa ating dekana, Kathleen Lourdes B. Obille,  sa mga propesor at mga "staff"ng SLIS, sa mga magulang, kapamilya, kaibigan, bisita, at syempre sa mga naggagandahan at naggagwapuhang kapwa ko magsisipagtapos, isang mapagpalang hapon sa inyong lahat!

Sa wakas, eto na ang pinakaaasam nating pagsablay! Aanihin na natin ang bunga ng ilang taong pagpapagal - ang walang kasintamis na tagumpay!

Subalit bago tayo makarating sa sandaling ito, alam kong naging masalimuot ang ating paglalakbay. Maraming pagsubok ang kinailangang lagpasan, maraming balakid ang pilit inalpasan.

Ngunit sa dinami-rami ng hamong napagtagumpayan, sa tingin ko sa dalawang ito tayo pinakanahirapan.

Una, sa walang katapusang pagdududa sa ating sarili at angking kakayanan.

Classic na kwentong maririnig dito sa Unibersidad yung nung elem at high school honor student tapos biglang pagdating mo sa UP, wala average ka lang pala minsan nga pakiramdam mo mas mababa pa.  

Bago pa man ako pumasok sa UP, narinig ko na ang mga kwento kung gano kahuhusay ang mga nag-aaral dito, subalit hindi ko yata ganong inintindi dahil grumadweyt naman ako sa high school ng may mataas na karangalan. Maere na wala pa sa UP, ayan tuloy nasampolan. Namumulang singko lang naman ang markang nakuha ko sa aking unang pagsusulit sa Unibersidad, at hindi ko talaga matanggap kasi sa paboritong subject ko pa nung high school, sa Kasaysayan. Doon ako sinampal ng katotohanang, hindi ako espesyal, hindi ako ganun kagaling. Naitanong ko pa nga nun kung para ba talaga ako sa Unibersidad na ito o nakatsamba lang talaga ako sa UPCAT. Marahil, iniisip ng iba sa inyo ngayon na, “ang babaw naman ng taong to, bumagsak lang sa isang pagsusulit, kung makapagdrama akala mo yun na yung magpapakahulugan sa pagkatao niya.” Pero hindi ito simpleng bagay para sa akin, dahil noon pakiramdam ko sa pag-aaral lang ako magaling. Ihalintulad niyo na lamang dito ang mga bagay kung saan kayo mahusay - maaring sa pagsusulat, sa pagpinta, o di kaya'y sa pag-awit o pagsayaw - sigurado ako dumating na rin kayo sa puntong walang ideyang lumalabas upang maisulat o maipinta; gayundin ang mga pagkakataong nahihirapan kayong abutin ang isang nota, o di kaya'y di niyo magawang isabay ang galaw ng katawan sa saliw ng musika. Tapos aalingawngaw sa isip mo ang mga salitang, "akala ko ba magaling ka, bat yan lang di mo pa magawa."

Sa buong pamamalagi natin sa Unibersidad, hindi na siguro natin mabilang kung ilang beses nating pinagdudahan ang ating sarili at angking kakayanan.

Maaring dahil sa mga rekisito gaya ng mga papel, mga pagsusulit, o di kaya ang ating mga manuskrito. Di maikakaila na dumating ang mga pagkakataong naitanong sa sarili kung "Kakayanin ba?" "Aabot ba?" "Gagraduate ba?"

Isa pang rason ay ang di maiwasang pagkukumpara ng sarili sa iba. "Bakit siya ganon, tapos ako ganto lang" "Buti pa yung mga kabatch ko gagraduate na samantalang ako eto pa rin"

Sa huli't huli, ang dating "kakayanin ba?" ngayon "oo, kinaya" na, ang dating "aabot ba?" ngayon "oo, umabot" na, at ang dating "gagraduate ba?" ngayon "yaaay, sasablay na!"

Ikalawa, sa ating mga takot.

Ang pagkatakot, ay isang normal na pakiramdam. Sino ba sa atin ang walang kinatatakutan? Kahit yang si Atty. sigurado ako meron. Gayundin ang ating mga propesor, ang ating mga magulang, ang ating mga kaibigan - ang bawat isa ay may kani-kanyang kinatatakutan. Mayroong mga takot sa insekto o hayop - sa ipis, daga, gagamba o ahas. Meron ding sa mga payaso o maskot. Ngunit mayroong higit na malalalim tayong kinatatakutan gaya ng pagbabago, panghuhusga, o sa pagkakamali.

Pero siguro ang pinakamalalang takot, ay ang takot na sumubok - guilty ako dyan. Pakiramdam ko kalahati ng buhay ko takot ako. Natakot akong sumubok dahil takot akong magkamali. Takot akong magkamali kasi takot akong mahusgahan. Takot akong mahusgahan kasi takot akong madismaya ang mga taong umaasa sakin. Takot akong madismaya ang mga taong mahalaga sa akin kasi sobrang sakit na makitang nalulungkot at nawawalan sila ng tiwala sa akin.

Sabi nila bibong bata raw ako, kaya kung saan saan ako sinasali noon. Hala sige, sali rito, sali roon. Manalo, matalo, sige lang. Hanggang sa unti-unti kong naintindihan ang konsepto nang pagkapanalo at pagkatalo. Sa totoo lang, wala namang kaso sakin noon ang pagkatalo, pero tumatak sa akin ang mga masasakit na salitang naririnig ko noon mula sa iba. Siguro yun ang dahilan kung bakit masyado kong nilimitahan ang sarili ko. Pinagpatuloy ko nalang ang mga nakasanayan ko na at hinayaang lumipas nalang ang napakaraming oportunidad upang sumubok ng iba.

Hanggang sa pumasok ako sa Unibersidad, baon ko pa rin ang mga takot na iyon. Pero sa loob ng apat na taong pamamalagi ko sa UP, natuto akong sumubok muli, kasi dito ko naramdaman na okay lang magkamali, na "it's okay to not be able to do the right things right, the first time, everytime," di gaya ng tinuro sating management principle sa LIS 151. At kahit makailang ulit akong nabigo, maging kayo rin, sandamukal na panghuhusga man ang narinig natin sa iba, at maraming beses mang nadismaya ang mga taong umaasa satin - ang mahalaga sumubok tayo at andito na tayo ngayon.

Sa tingin ko hindi na tuluyang mawawala ang mga takot kong ito subalit sigurado akong hindi ako magagapi dahil di hamak na mas malaki ang mga pangarap ko kaysa sa mga takot ko.

Igpaw

Tunay ngang wala nang iba pang salita ang higit na makapaglalarawan sa batch na ito, na siyang napili rin naming tema - ang salitang “igpaw.” Ang igpaw ay isang salitang tagalog na nangangahulugang tumalon o lumundag, na maaring katumbas ng salitang paglampas o pag-alpas.

Sinong makakalimot sa napakahahabang pila noon sa mga GE subjects o sa pila ng jeep na ating binuno? E yung mga 7 am classes kaya, na kahit laglag pa ang ating mga mata dahil sa mga all-nighters para sa papel man, paghahanda sa pagsusulit, o sa panonood ng k-drama o series, pilit nating pinsukan; idagdag pa ang mga propesor na napakahihigpit. Nariyan rin ang mga araw nang tagtipid, pilit nating pinagkakasya ng ating mga baon kaya inaraw-araw ang Iskomai, fried noodles o canton. Ang iba naman binalanse ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

Nagdaan din tayo sa mga pinakamadidilim nating araw. May mga pagkakataong nawawalan tayo nang gana di lamang sa pag-aaral kundi sa buhay, tapos meron pa yung tuwing uuwi ka sa dorm o boarding house iiiyak mo nalang ang bigat ng iyong nararamdaman hanggang sa mapagod at makatulog nalang. Akala mo naubos na pero kinaumagahan paggising mo, kusa nanamang dadaloy ang mga luha.

Ang bawat isa sa amin ay may kani-kaniyang kwento nang pagkadapa, pagbangon, muling pagkadapa, muling pagbangon, minsan pang pagkadapa, minsan pang pagbangon, hanggang sa mapagod na at sumuko na lang. Tapos hanggang sa naglakas loob na sumubok muli, ngayon higit na mas matalino  at mas matatag na dahil sinubok na ng panahon at hininang ng pagkakataon.

Gasgas na ‘to pero, ano naman kung paulit-ulit tayong nadapa? Ang mahalaga naman bumangon tayo at natuto mula sa mga iyon.
Natagalan man ang pamumukadkad ng mirasol para sa iba, hindi naman yun kabawasan sa pagkatao nila. Sino bang poncio pilato ang nagtatakda ng paggraduate? Wala naman, diba?

Pasasalamat

Ang lakbayin tungo sa araw na ito, tunay na hindi naging madali. Napakaraming pagsubok ang kinailangang suungin, gayundin ang di mabilang na pasakit na kinailangang damhin pero kinaya natin hindi lang sa ganang ating sarili bagkus dahil mga taong kinasangkapan upang tayo’y makabangong muli at magpatuloy sa paglaban. Meron din namang mga napadaan lang pero siyempre naging parte pa rin sila ng ating paglalakbay, at marapat lamang na sila’y ating pasalamatan.

Kay Dean Kate, saan kayo makakakita ng dekanang nakikipagbiruan at nakikihalubilo sa mga estudyante sa kanyang departamento? Dito lang yan sa'tin. Dean, maraming salamat po!

Kay Sir Bono, Sir sana nandito ka ngayon, kasi gusto kitang personal na mapasalamatan. Una, dahil ikaw ang isa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa kursong ito. Ikalawa, dahil sa mainit mong pagtanggap sa batch namin noon at talaga namang all-out support ka kahit sa mga kabatch naming nagshift. Pero higit sa lahat, nagpapasalamat ako dahil nagtiwala ka sa akin nung ako mismo hindi ko magawang maniwala sa sarili ko.

Kay Ma'am Eimee, ang aking "thesis adviser" sa walang sawang pag-unawa at pag-intindi, sa pagbibigay ng panahon sa pagbabasa sa aking manuskrito at magbigay ng mga suhestiyon upang matapos ko ito nang mahusay. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo, hindi ko matatapos ang isa sa pinakamahalagang reksisito upang makapagpatapos kung hindi dahil sa inyo.

Kay Ma'am Rhea, lagi ko pong sinasabi sa inyo noon pa man kung paano napapagaan ng simple niyong mga ngiti ang dalahin ng mga estudyanteng napanghihinaan ng loob. Salamat po sa pagbibigay liwanag sa ating kolehiyo!
Sa mga minamahal naming propesor, maraming maraming salamat. Sa loob ng 4, 5, 6 o higit pang taon na pamamalagi namin sa unibersidad, hindi niyo lang ibinahagi ang inyong mga kaalaman at hinubog ang aming mga kakayahang, higit sa lahat kayo’y naging kaibigan at tumayong pangalawa naming mga magulang sa Unibersidad.

Kay Ma'am O, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyo. Salamat sa pag-asikaso sa mga dokumentong kailangan namin. Kahit po pagod na pagod kayo, lalo na tuwing simula ng panibagong semestre gayundin tuwing nalalapit ang araw nang pagtatapos, hindi niyo po ito pinaparamdam samin, magiliw niyo pa rin po kaming pinapakitunguhan. Nako, wala pong panama ang haba ng traffic sa EDSA, sa haba ng pasensiya niyo.

Kina Ma'am Shelly at Ma'am Rhina, nagpapasalamat din po kami sa lahat ng tulong niyo lalo na tuwing may mga kaganapan kami sa org o sa Student Council. So ayun na nga, aamin na ko HAHA. Kay Kuya Jay, salamat po talaga sa pagbubukas niyo nung rehas sa taas nung isang beses na nahuli kaming lumabas dahil may dinaanan kami sa tambayan pagkatapos ng 7 pm class namin sa 120, kung hindi po dahil sa inyo nagovernight kami nina Elaine at Nico sa

SLIS nang wala sa oras. Syempre hindi natin kakalimutan si Kuya Mac, salamat po!
Kina Ma'am Jessie, Ma'am Sol, at Sir Mike, maraming salamat po. Salamat kasi hindi po kayo napagod at nagsawang magpahiram ng mga libro at theses para matapos namin ang aming mga manuskrito.

Kina Kuya Mags at Kuya Happy

Sa lahat ng nakilala at naging mga kaibigan, para sa mga nanatili at lumisan, naging malaking bahagi kayo nang pamamalagi ko sa Unibersidad. Special mention kina Zul, Bigle, at Idelle na sinamahan ako mula simula hanggang dulo, wala kong ibang masabi kundi solid kayo. Kay Elaine, na naging sandalan ko sa tuwing halos kainin na ako ng aking mga takot at pagdududa. Mahal, nakatulong lahat ng overnights, powerhugs at qoobee stickers. Kay Aying, thank you for being such a mom, pero legit maraming salamat. At kay Arman, na nagpapashout out lang talaga, biro lang. Cachu, maraming salamat kasi kahit nang-iwan ka hindi ka tuluyang nawala. Solid kayong lahat, mahal ko kayo. Hangad ko ang inyong kaligayahan at tagumpay saan man tayo dalhin ng tadhana. 

Sa UP FLIPP, na tumanggap at kumupkop sa akin, isa ka sa mga dahilan kung bakit nahihirapan akong umalis. Ikaw ang nagsilbing sandalan ko sa tuwing lugmok na ko sa acads, mamimiss ko nang husto ang mga tawanan, asaran, kainan, at ang pinakapaborito ko sa lahat - ang paglalaro ng cards sa tambayan. Ikaw rin ang unang nagtiwala sa aking mga kakayahan sa loob ng Unibersidad. Salamat sa lahat ng oportunidad na ipinagkaloob mo sa akin na siyang naging daan upang mas makilala ko ang aking sarili at lumago ako bilang isang indibidwal. Naging mas makulay at makabuluhan ang buhay ko sa UP dahil sayo, maraming salamat.

Sa aking mga tito, tita, pinsan, lolo, lola, salamat sa walang sawang pagsuporta at sa walang maliw na pag-ibig. Kung hindi rin dahil sa inyong kabutihan wala ako rito ngayon. I will always be your tabatina.  

Sa no. 1 fan ko, sina Mama at Papa, wala po ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa inyo. Ma, Pa alam kong kailanman hindi sasapat kahit ang paulit-ulit na pasasalamat sa lahat ng sakripisyo niyo para sa akin. Sa totoo lang, baliktad ata kasi ako talaga yung no. 1 fan niyo. Ma, sobrang hanga ako sa determinasyon, diskarte at katatagan mo; biruin mo nasubukan mong magbenta ng balot, gulay, ulam, merienda at marami pang iba maitaguyod lang ang pag-aaral ko. Pa, saludo ako sayo, alam kong hindi madaling mamasada ng sidecar at ng trycicle pero hindi ka tumigil mapagtapos lang ako. Ma, Pa, kinaya ko dahil kinaya niyo. Salamat sa pagbibigay inspirasyon, sa pag-aaruga, at sa pagmamahal. Gayundin kina Mang at Pang, ate at ading, bihira man tayong magkita, hindi kayo kailanman nagkulang na iparamdam sa akin ang inyong pagmamahal at suporta. Mahal na mahal ko kayong lahat!

Sa UP, grabe ka, pero mahal kita. Gaya nga nang sabi sa kanta, “if it wasn’t for you I will never be who I am.”

Sa sarili ko, kayo rin, magpasalamat kayo sa mga sarili niyo, maging proud kayo. Dahil kung may isang katotohanan na hindi mapapasubalian kailanman, kahit anong motibasyon ang ibigay sa atin ng iba, nasa sa atin pa rin ang desisyon na magpatuloy. Kaya pasalamatan natin ang mga sarili natin kasi kahit nadurog tayo pinili nating magpatuloy, pinili nating lumaban.

At syempre, higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal, ang lahat ng ito'y dahil sa kabutihan Niya at marapat lamang na ialay ko ang tagumpay na ito sa Kanya.

Bilang pangwakas…

Nais

Ang takot lagi yang nariyan,
Parang anino lagi kang susundan,
Ang pagdududa, gayundin naman
Kahit sa pagtulog, di ka tatantanan
Nguni’t kahit ano pang hamon ang dumaan
Arin itong paulit-ulit na igpawan
Di lang upang pangarap ay makamtan
Kundi upang tao at baya’y mapaglingkuran

Muli isang magandang hapon po sa inyong lahat!

To our respected recognition speaker, Dr. Diljit Singh; our beloved Dean, Professor Kathleen Lourdes Obille; our dear College Secretary, Professor Benedict Olgado; our distinguished professors, UP SLIS staff, alumni, families, friends, and fellow graduates, good afternoon!

One of the things I love here in UP Diliman is walking along the Academic Oval. I do not know for you, but for me, it always gives me a sense of peace and joy. Just looking at the people hanging out at the Sunken Garden; the students walking from classes to classes; the trees, halls, joggers, bikers, vendors, and IKOT jeepneys; it gives me a sense of comfort and delight. But as I walked along the Academic Oval last Sunday after the review, everything just seemed to evoke nostalgic and heartwarming memories of my college days. It may be due to the upcoming graduation that’s why I was feeling sentimental – because I know in myself that I have long waited for this day.

Back in high school, it never occurred to me that I’d be graduating here in UP. I was not an UPCAT passer. Yet I think I was destined to be here. I can still remember how early my tita and I traveled from Santa Cruz, Laguna to pass the requirements needed for transferring to one of the Universities in Manila. However, the guard won’t let us in because of a school event. I then called my mother and told her that we’ll probably just go home. But my mother told me “Bakit hindi mo subukan sa UP? May dala ka na rin namang requirements.” I was very fortunate to make it on time. I filled up the forms and passed it to the OUR during the last day of the application period for transferees.

For four long years, I studied hard to get good grades. Some people might look at me as a grade-conscious student. Some people might think of me as someone who’d always do well in class. But for me, I’ve always looked at myself as a daughter who just wants to give back to her parents.

My mother has been away from me for more than a decade. And in those years, I think I’ve only been with her four times. Apat na beses.  At kung makakauwi naman si mama, maswerte nang makasama namin sya kahit isang linggo, katulad na lang ngayon. She was not even permitted to go home here in the Philippines during my high school graduation. I remember her listening to my high school valedictory speech via phone call. It sucked. Mararamdaman mo na lang na parang walang halaga lahat ng pinaghirapan mo kasi wala naman dito yung taong pinag-aalayan mo. Pero kahit malungkot, tumuloy pa rin ako kasi para sa kanya pa rin naman iyon. Nandito man o wala, laging parang sa kanya ang tagumpay ko. So when I was given the opportunity to speak here today, even when I am not confident and I feel unworthy, I grabbed the chance. I grabbed the chance because I want her to listen to my speech again, this time, personally.

Also, there’s my father whom I barely see at home. Ang papa ko ay kundoktor ng bus. Aalis siya ng bahay nang 2 AM at babalik sa madaling araw pagkatapos ng sunod-sunod na biyahe papuntang Pasay City at pabalik. Bagama’t malimit kaming magkasama, alam ko na si papa ang number one supporter ko. He’d always say out loud of how he is so proud of me. He was even planning to show the Recognition Rites program booklet to his friends and relatives, and to make a tarpaulin just for me. How can I disappoint them?

My journey towards this day was full of anxiety and self-doubt. Iba na pagsapit ng madaling araw. Hindi malaman kung papaano makakatapos ng isang makabuluhang sanaysay. Minsan maiiyak ka na lang kasi pakiramdam mo wala ng pag-asa. Pagkatapos susubukan mong humanap inspirasyon mula sa iyong pamilyang nasa malayo. Mag-iisip. Bubuntong hininga. Ilalabas lahat ng takot at kaba. That is how I managed to be greater than my troubles. I have my failures as my strength and my family as my inspiration.

I believe we all have different inspirations. We all fought our own battles. But there’s one thing we all shared and experienced together – ang minamahal nating Unibersidad ng Pilipinas. Who would forget our own version of Hunger Games during enrolment season? And with trembling knees, I will never forget how exhausting it is to go up to the third floor of the Main Library. I was always out of breath every time I see the original Oble. And who would forget the ninja moves in CASAA? I hope no one. The same as we won’t forget how the Shopping Center has become a haven for us, students. Let us recall those dreaded days of LIS 61 and 62. More so, let us not forget how happy we were when we were able to bind books during our practicum at the University Archives. I swear I could never forget the smell of the glue! Out of desperation, we have shared several memes on Facebook and Twitter just to pass the semester. We have also experienced cutting classes just to finish a paper or a project for the next class. And of course, we would not forget those days we spent on revising our manuscripts for LIS 199 and 200.

We all have experienced hardships. Some even almost quit. But no matter how many times we shouted “Ayoko na”, we still persevered for our families and fellow Filipinos, for honor and excellence. Because this is what UP taught us – to never give up. Tinuruan tayo ng Unibersidad na ‘wag sumuko sa anumang hamon ng buhay, na lumaban palagi nang may dangal at husay umabot man ng lima, anim o higit pang taon.  Hence I want to congratulate my fellow graduates, the UP SLIS Class of 2018! I cannot help but get teary-eyed when Sir Bono posted that we will all get to graduate together. We all have stumbled along the way but we remained steadfast in times of distress and adversities.

But remember that things will only get tougher from here. For the next few weeks, we will be financially broke! And as days pass by, we will have a hard time thinking which path we really wanted to venture. We will also have to face one of our biggest fears as we brave the upcoming LLE. Not to mention that we have to go from institution to institution in search of a job. This also means that class suspension on all levels no longer applies to us. Dapat mas waterproof ka na. And along the way, we will meet people from all walks of life. We will be criticized for our mistakes and shortcomings. But remember that we, Iskolar ng Bayan, shines best under difficult circumstances. With every hardship, there’s an opportunity for us to grow and to blossom into the person we aspire to be in the future. So hold on to those disappointments, rejections, and failures, and use them as your strength. Ipagmalaki mong kinaya mo!

However, do not forget to seek help when in need. Remember that you are not in this alone. Just like today, we would not be here celebrating this momentous event if it weren’t for those people who supported us. Hence, I would like to extend my heartfelt gratitude to the following people who have paved the way for me to be where I am today.

To our Dean and my pre-thesis adviser, Professor Kathleen Lourdes Obille, thank you! Thank you po for accommodating my inquiries even when I am too shy to knock on your door. Thank you po for your insightful comments, patience and constant guidance.

To our College Secretary, Professor Benedict Olgado, I regret not enrolling in one of your classes. Nonetheless, I have always admired you Sir on how you are able to lift our spirits up in times of despair. Thank you po for your tireless efforts to ensure that we will all march today. Thank you po for your endless support and words of encouragement. We wish you the best of luck in your next endeavors.

To my thesis adviser, Professor Mark Anthony Santos whom I’ve always admired, thank you! I cannot thank you enough Sir for your patience and wisdom. Thank you for accommodating my concerns despite your very busy schedule.  It is my privilege to be one of your advisees. Thank you, Sir! I wish you and Ma’am Yhna a life full of happiness.

To the UP SLIS faculty members, Thank you po for all the lessons you taught us inside and outside the classroom. Whichever path we take, we will always carry with us your teachings. Thank you very much po!

To Ate Oda, thank you very much po for your patience. We also owe this day to you as you have worked hard to make all these happen. Thank you, Ma’am!

To the UP SLIS staff, thank you po for assisting us with our inquiries and requests; may it be about enrolment, room reservations, technical support, and others. Thank you po!

To the UP SLIS Library staff, thank you po for helping us with our information needs especially during those days when we were constructing our own RRLs. Thank you po sa pagkamusta sa amin every time you’ll see us so stressed while borrowing a book over the counter. Thank you po!

To UP FLIPP, thank you for making my college life more wonderful. You have been a breather from the exhausting academic workloads. I am happy to have spent my entire college journey with you. I will never forget our ventures particularly our LibSpeak event held in Angeles, Pampanga. Thank you for helping me unfold and develop my potentials. I would also like to thank our advisers, Ma’am Rhea, Ma’am Arlante and Sir Martin for their guidance and support. Thank you very much po!

To UP CRAdLe, thank you for empowering me in voicing out my concerns and stands especially regarding children’s rights and welfare. Always, in all ways, for the kids! Thank you, CRAdLers!

To all our friends, sa mga nanatili o dumaan lang, thank you! Thank you for walking with us along the Academic Oval, listening to our rants, sentiments, and stories. Thank you for keeping us sane during hell weeks and walwal days.

And for those people closest to me, to Tito Louie, thank you po for your unwavering support, and confidence in me. Thank you po for those times you sheltered me just so I could finish my requirements on time. I will always be indebted to you for your generosity and understanding. Thank you po!

To Joc who has been my companion all throughout this journey, thank you! Mula sa unang beses akong maligaw sa UP hanggang sa pagsumite ko ng thesis ay nandyan ka. Maraming salamat sa pagsama sa akin sa pagpupuyat, sa lahat ng pagkabigo at tagumpay. Thank you very much, Joc! I also owe you this day!

Indeed, it was a tough journey. It took a lot of sacrifices and toil just to be here today, not only for us, graduates but also for our parents. And today, they have also finished their own degree – Master of Arts in Parenthood. So may I just request everyone to give our parents or families a round of applause. Thank you po for your unconditional love! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

To my parents who have no idea I’d be speaking today, thank you for coming! It gives me so much happiness to be able to spend an entire week with you. Masaya na akong makasama kayo kaya bonus nang nakapagtapos ako with honors. Thank you, mama and papa! Taus-puso po akong nagpapasalamat para sa lahat ng sakripisiyo niyo makapagtapos lang ako!

To our Almighty God, thank You for You are faithful and merciful. You have constantly reminded me that nothing is impossible with You. Thank you, for working in my life, Lord.

Lastly, thank you Unibersidad ng Pilipinas. At times I blame you for feeling inadequate, but only to thank you after for pushing me to my limits. Salamat UP sa pagmulat ng aking mga mata sa masalimuot reyalidad ng buhay. Salamat kasi tinuruan mo akong magpursigi at lumaban!

To the UP SLIS Class of 2018, along with this privilege of being an Iskolar ng Bayan is our pivotal role in fighting for those people deprived of this right. We were shaped to serve our nation. We are to uphold honor and excellence. Hence as future information professionals, let us devote our lives to the service of the Filipino people whom we owe our UP education.  Let us put first the interest of the Filipino people, not ours, not of one man.

Tandaan na may pag-asa gaano man kadalim ang daan
Maski kontra ang iba, kaibigan o magulang man
Lumaban para sa hustisiyang ipinagkait
Iahon ang mahirap na silang nagigipit
Ipaglaban ang edukasyong hindi matamo ng marami
Kumapit hanggang ang isa ay maging kami
Lumaban, manindigan!
Ganyan tayong mga Iskolar ng Bayan

Muli, magandang hapon po sa lahat!